lumilinya lang

dito ko sasabihin ang lahat ng hindi ko masabi sayo
dito mo rin mababasa ang mga dapat mong malaman at maintindihan

Sep 14
Permalink

hindi komo

hindi komo hindi ako nagpo-post ng bitter blogs, status updates, kanta o video clips eh hindi ibigsabihin na hindi ako bitter o nasasaktan. hindi ko lang kailangan ng madaming audience (kung pwede lang alisin follower dito, sabagay di niyo naman ako kilala nung 2 followers hehe!). but if it will help you feel better na palabasin akong sobrang manloloko at mura-murahin ako ng audience mo, sige lang. masakit, oo, kasi alam ko at alam mong hindi kita niloko o pinaasa. ang gusto ko lang naman hintayin natin ang tamang panahon at pagkakataon. hindi ko sinabing hindi na kita mahal. ni minsan hindi ko sinabing hindi na kita mahal.