lumilinya lang

dito ko sasabihin ang lahat ng hindi ko masabi sayo
dito mo rin mababasa ang mga dapat mong malaman at maintindihan

Sep 14
Permalink

hindi katulad mo

kung ikaw inaasam mo na sa susunod na makita mo ang mukha ko, mabasa ang pangalan ko, makita ang social network profile ko, marinig ang boses ko, at makaharap ako - ay wala ka nang maramdaman. as in nada. zilch. ako, hindi. patuloy lang ako at alam ko ganun pa rin ang nararamdaman ko sa susunod na makikita ko ang mukha mo, mababasa ang pangalan mo, makikita ang social network profile mo, maririnig ang boses mo at makakaharap ka. sinong nagsabi na kailangan nasa relasyon ang dalawang tao para magmahalan, para magdamayan, para magkaintindihan? ang inaasam ko para sayo ay maunawahan mo. yun lang muna sa ngayon.