lumilinya lang

dito ko sasabihin ang lahat ng hindi ko masabi sayo
dito mo rin mababasa ang mga dapat mong malaman at maintindihan

Sep 19
Permalink

wala ba?

kung magsalita ka parang wala kang pagkukulang, parang wala kang mga nagawang mali. sobra ka na. kung ganyan ka rin lang pala, mabuti nang natapos na ang dapat matapos. at kung gusto mo talagang mag-move on tumigil ka na sa pagiging emo mo!

Sep 14
Permalink

hindi komo

hindi komo hindi ako nagpo-post ng bitter blogs, status updates, kanta o video clips eh hindi ibigsabihin na hindi ako bitter o nasasaktan. hindi ko lang kailangan ng madaming audience (kung pwede lang alisin follower dito, sabagay di niyo naman ako kilala nung 2 followers hehe!). but if it will help you feel better na palabasin akong sobrang manloloko at mura-murahin ako ng audience mo, sige lang. masakit, oo, kasi alam ko at alam mong hindi kita niloko o pinaasa. ang gusto ko lang naman hintayin natin ang tamang panahon at pagkakataon. hindi ko sinabing hindi na kita mahal. ni minsan hindi ko sinabing hindi na kita mahal.

Permalink

hindi katulad mo

kung ikaw inaasam mo na sa susunod na makita mo ang mukha ko, mabasa ang pangalan ko, makita ang social network profile ko, marinig ang boses ko, at makaharap ako - ay wala ka nang maramdaman. as in nada. zilch. ako, hindi. patuloy lang ako at alam ko ganun pa rin ang nararamdaman ko sa susunod na makikita ko ang mukha mo, mababasa ang pangalan mo, makikita ang social network profile mo, maririnig ang boses mo at makakaharap ka. sinong nagsabi na kailangan nasa relasyon ang dalawang tao para magmahalan, para magdamayan, para magkaintindihan? ang inaasam ko para sayo ay maunawahan mo. yun lang muna sa ngayon.

Sep 08
Permalink
…love is not the only reason why you choose to leave or stay with somebody
— Star Cinema’s “I Miss You Like Crazy”
Permalink

hindi lang ikaw

hindi lang ikaw ang nasasaktan

hindi lang ikaw ang naghahanap

hindi lang ikaw ang nakakaalala

hindi lang ikaw ang nangungulila

hindi lang ikaw ang nahihirapan

hindi lang ikaw ang nagsakripisyo

hindi lang ikaw ang nagbigay

at higit sa lahat,

hindi lang ikaw ang nagmahal

Apr 30
Permalink
hindi kita pinapapili kung sila o ako
pero wag mo sanang hayaang dumating sa point na yun
Mar 09
Permalink
at this point of my life, you are my greatest source of happiness but at the same time, my greatest source of pain.
Feb 19
Permalink
sila, kailan ba sila titigil sa pagpapapansin sayo?
ako, kailan ba ako magiging sapat sayo?
ikaw, kailan mo ba talaga maiintindihan?
Feb 12
Permalink
ang sakit ng singaw ko. pero mabuti na yun para may excuse akong wag ngumiti ngayon.
Feb 05
Permalink
kayo”, “sa inyo”, “isa ka”, “kasama ka”
kailan kaya magiging “kita”, “sayo”, “ikaw”, “ikaw lang”?